Wednesday, November 20, 2013

Selective Memory

Did I ever have you?
Got face of blue.
Did I ever kiss you?
Or hug you, too?
Did I ever love you?
What else did I do?
Oh, please just tell me.
I have this selective memory.


11/09/13

A Fool who Waits

At every unexpected gust,
The dead leaves fall.
Every step in the faulty crust,
The old walls crumble.


Long have I been waiting,
For this love to come.
My patience is now drowning,
I may be fool for some.


The rocks stand still,
My body gets numb.
I don't know what to feel,
My heart gets dumb.


But who will be to blame
When I longed for love yet nothing came?
This heart is now weary
Waiting for a love so dearly.


I longed for no goodbyes.
Never would have longed for lies.
Love should never be this hard.
It should be patient, never would get tired.


11/12/13

Tuesday, November 5, 2013

The Song of a Broken Heart

It will be you and I,
Against all the people.
We'll never say good bye;
Love's too hard to handle. 


We promised that we'll stay,
Together, forever.
We'll mind not what they say.
It's us we're both after. 


I'm holding on too long-
Promise of forever-
Why did it go so wrong?
Thought we'll be together. 


Song's played with broken chords;
This unchained melody,
Lyrics of broken words...
How lonely love could be. 


Will it still be you and I,
Against all the people?
But we've already said good bye...
Oh, love's too hard to handle. 



10/29/13


Tuesday, October 8, 2013

Sa mga Natatangi naming Mag-aaral



Sa napakaraming "student-teachers" na nakakahalubilo niyo sa buong araw niyo sa klase, maaaring isa kami sa hindi niyo nagustuhan; maaaring isa kami sa hindi niyo nabibigyang pansin tuwing nagtuturo; maaaring isa kami sa kinaiinisan niyong "student-teachers;" maaaring isa kami sa mga ordinaryong tao na nakikita't nakakaharap niyo, ilang minuto tuwing lunes at martes, na sa tingin niyo ay wala kayong kapupulutan ng aral. Hindi man sapat ang napakaikling oras upang makilala ang bawat isa sa inyo, sapat na ang napakaikling oras na 'yon para mapamahal kami--bilang mga "studen-teachers"--sa inyo.

Sa unang araw ng pagpasok namin sa inyong klase, hindi mawari ng nangungusap naming isipan kung bakit ganoon na lang kayo kagulo. Marahil, dahil sa kayo'y napabilang sa pangalawa sa pinakahuling seksyon sa ikawalong baitang, ang mga ugali niyo'y hindi matawaran sa kakulitan at ang mga pag-iisip niyo'y kasimbagal umusad katulad ng pagong. Batid naming hindi kayo ganoon ka-interisadong matuto sa mga bagay-bagay sa mundo (ni iilan lang ang nais makinig sa'min sa t'wing kami'y nagtuturo). Batid din namin na sa murang edad at isipan niyo'y nais niyo lang ang magliwaliw--walang pakialam kung may guro sa harapan, o wala. Masakit isipin na sa mga nababatid naming ito, maaksaya lamang ang pagpunta niyo sa paaralan. Na masasayang lamang ang mga paghihirap ng inyong mga magulang sa pagtataguyod sa inyo sapagkat ni wala man lang silang makitang katiyagaan at kasipagan niyo sa pag-aaral. Iyon ay mga pagwawari sa loob lamang ng isang araw na pagkikita. At ang mga basihan? Napakarami. Iilan na lamang ang paglabas pasok sa loob ng klase, paghiyawan kahit pa may guro sa harapan, at paikot-ikot na paglakad sa apat na sulok ng silid-aralin na wari'y 'di mapakali sa kinalalagyan. Ito ma'y napakababaw na basihan na maging marahil ay ordinaryong kinagawian na ng mga mag-aaral, masasabi naming malaki ang naiaambag nito sa pagtuklas ng inyong mga buhay-buhay.

Ilang araw ang lumipas at ipinaranas niyo sa'min kung gaano kayo kagulo, kaingay, kakulit, at kung gaano katigas ang inyong mga ulo. Sa pagtanong-tanong sa mga guro, nalaman naming isa kayo sa pinakamahirap turuan na klase. Marami sa napagtanungan at nakausap namin ang halos naisin na'ng sumuko sa pagtuturo sa inyo. Sa pagtataka, nasaan na lamang ba ang dedikasyon ng mga gurong ito sa pagtuturo sa kanilang mga mag-aaral? Ngunit hindi lang din naman dapat isaayon ang pag-uumento sa iisang aspeto lamang. Sapagkat hindi sa lahat ng bagay ay dapat isisi sa mga guro...kung bakit usad pagong ang natututunan ng mga batang kagaya niyo. Kailangan niyo ng tulong--sa kahit na anong aspeto ng buhay. Ngunit paano kayo mabibigyang tulong kung kayo mismo'y di kayang tulungan ang inyong mga sarili?

Balikan natin ang mga araw kung saan isinuwalat niyo sa'min ang tunay niyong mga ugali. Sabihin natin na normal na sa inyo ang pagiging maingay. Subalit, normal din ba na kayo'y nagbabatuhan ng kung anu-ano sa loob ng klase? Normal din ba na nagbabatukan kayo sa harap ng guro? Normal na nagkakantahan at nagsasayawan kayo sa gitna ng inyong pag-aaral, kung kayo'y nag-aaral ngang talaga? Normal ba na naghahampas kayo ng kung anu-ano sa sahig habang may nagtuturo sa harapan? Normal din ba ang magsigawan kahit ang kausap mo'y halos kaharap mo lang? At normal din ba na nagsusugal kayo sa isang sulok ng silid-aralan na animo'y mga bihasa sa sugal kung umasta? Iilan lamang ito sa mga bagay kung bakit kayo kinaaayawan. Ngunit tingnan niyo kami--inyo mga guro at "student-teachers"--pilit kaming patuloy na pumapasok upang magturo sa inyo. Hindi dahil sa kailangan, iyon ay dahil sa nananalig kami na maging interisado kayo sa pagkatuto sa mga bagay na ituturo namin sa inyo. Dito ko napatunayan ang dedikasyon ng iilan sa mga gurong aming nakahalubilo. Nagnanais silang may marating kayo sa buhay, at maging kami ma'y nais kayong magtagumpay. Kung kaya't sa halip na iwan kayo sa ere ay pilit naming pinapasukan ang inyong klase. Iyon ay dahil sa napalapit na ang loob namin sa inyo...napamahal na kayo sa amin...at nagmamalasakit kami't nagtitiwala sa inyo sa kabila ng inyong mga kaligaligan.

Mga mag-aaral ng Batangas sa ikawalong baitang, darating ang araw na kami'y hindi niyo na makakahalubilo. Darating ang araw na mababawasan ang mga taong nagmamalasakit at nagtitiwala sa kakarampot niyong kakayanan. Nawa'y minsan sa dako ng isip niyo'y inyong maunawaan ang kahalagan ng edukasyon sa buhay. Nawa'y maisip niyo na kaming mga guro at "student-teachers" ay nagpapakahirap sa pag-intindi sa inyo para lang may matutunan kayo sa amin. At nawa man di'y maalala niyo kami bilang ate, kuya, kapatid, o kaibigan na nagmamahal sa inyo sa paglipas ng mga panahon.

Ito'y hindi pagsiwalat sa mga kagawiang 'di ayon sa mata ng nakararami. Ito'y isang anyo ng paglalantad kung gaano kadakila ang puso ng bawat guro sa kanilang mga mag-aaral. At sa mga mag-aaral ng Batangas sa ikawalong baitang, ang pagsisisi ma'y nasa huli, ngunit ang pagbabago'y laging walang pinipiling araw.

Saturday, September 28, 2013

My Dear Friends



She is Jazmine.
She lacks vitamin.
She seldom smile.
She barely laugh for a while.
But many would not care,
Because of her long, black hair.
Still you would never know,
The loveliness she could hardly show.

A sheepish smile she can give,
In a wonderful world one can live.
Her name is Angelica.
Her voice is like Nightingale in Savannah.
Her chuckles are so sweet,
With blinking eyes she keeps.
Pinch her and she will cry...
With her words as, "Oh my!"

Liezel, the girl with eye glasses.
She stands tall as Jazmine wishes.
She loves Korean and everything.
She loves to dance and sing...
Loves food and fancy clothing.
She seemed like a fashionable being.
Just look on how she walks,
And hear her when she talks.

Here comes this shy girl,
With hair that twists and curls.
She is Joy Ann-
The geek woman.
She loves to read and study.
She's serious, sometimes happy.
She knows almost every little thing.
In a world where she is living.

Beauty, wit, and posture.
Though I'm not quite sure.
I'll just introduce her so-
Ms. Analyn Plantilla Geronimo!
She has breath taking confidence.
When you're with her, you'll feel tensed.
Cause she feels like a goddess.
That everyone will get impressed.

Of all these lovely girls of Venus,
Their love and beauty is continuous.
No matter how different they are,
There is an existence of no war.
In God's eyes, they are equal,
And no one dares to make a scandal.
Meet them and say what you see.
As their friend, teasing them makes me happy. ^-^

9.25.13

In Forgetting the Impossible


My heart is thumping.
I said I'll get over.
But I can't miss the feeling
Of loving you dear.

I saw you passing by
My world almost fell.
I thought I'm going to die
But I was all too well.

I can't get you off my mind.
I'm fighting over my feelings.
I can't just leave you behind.
I'm thinking many a thing.

Perfect combination,
I thought we were.
Guess it's just my imagination.
I can't really have you dear.

9.25.13

If You Want to Be Happy, Be


Look in the mirror
See your face
Smile fades in terror
You feel disgraced.

What's with that frown?
Do you need a clown?
Why not laugh as you can?
Be a happy man!

The world is tricky
It's fine to make mistakes
Just make yourself happy
Mind not what's at stake.

9.23.13